China, iginiit na ang mga isla sa West Philippine Sea ay inherent territory nila

Ang mga isla sa West Philippine Sea ay “inherent territory” ng China.

Ito ang ipinunto ng White Paper na inilabas ng China isang araw matapos ilabas ng Permanent Court of Arbitration ang desisyon sa sigalot sa rehiyon.

Sa naturang position paper, sinabi ng China na dalawang libong taon na ang nakakaraan nang unang magkaroon ng aktibidad ang mga Chinese sa West Philippine Sea.

Ang China rin umano ang kauna-unahang naka-diskubre, nagbigay ng pangalan at nag-explore sa mga isla sa rehiyon.

Nakabatay rin umano sa kasaysayan at batas ang kanilang interes sa mga isla sa West Philippine Sea.

Marami umanong kumikilala sa mga isla sa West Philippine Sea na bahagi ng teritoryo ng China partikular sa ilang mga encyclopedia, yearbook, at mga mapa.

Gayunman, handa raw ang China na makipagnegosasyon sa Pilipinas kaugnay ng naturang isyu.

Speak Your Mind

*