China, nagbabala sa pakikialam ng U.S sa territorial dispute.

Binalaan ng China ang Amerika na magbabayad ito kapag naubusan ng pasensya ang Beijing dahil sa pakikialam ng U.S sa territorial dispute sa West Philippine Sea O South China Sea.

Ayon sa beijing, nakataya rito ang Regional Stability at Bilateral Ties nila ng amerika.

Para sa beijing, ang estados unidos ang dapat sisihin kapag lalo pang lumala ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Giniit din ng china na dedepensahan ang kanilang soberanya sa West Philippine Sea anuman ang maging desisyon sa kasong inihain ng pilipinas.

Una ng sinabi ng china na hindi kikilalanin ang desisyon ng Arbitral Tribunal.

Speak Your Mind

*