Comelec-Dagupan, pinaghahandaan ang mga gagamiting polling precincts

Puspusan na ang paghahanda ng Commission on Election o Comelec Dagupan sa mga gagamiting polling precincts sa darating ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Election sa Oktubre 31.

Ayon kay Atty. Erickson Oganiza, Comelec Officer ng Dagupan na may pagbabago sa mga polling precincts dahil may nadadagdag rito na polling precicts para sa mga kabataan na boboto sa SK eleksyon.

Dagdag pa ni Oganiza na unang gagawin ay ang pagsasaayos nang arraigment precincts na inaaasahang matatapos sa buwan ng Agosto, kung saan dito na malalaman kung saang presinto boboto ang mga botante.

Hakbang din umano ito para malaman kung ilan ang itatalagang board of election tellers dahil sa mano-manong butuhan.

Nabatid na sa October 1 hanggang November 7 ang simula ng election period, October 3 hanggang 5 naman ang umpisa ng pagpipila ang Certificate of Candidacy o COC, at October 21 hanggang 29 ang campaign period.

Speak Your Mind

*