Comelec, tumatanggap ng magpapa-rehistro kahit sabado at linggo

Patuloy sa pagtanggap ng mga magpaparehistrong botante ang Commission on Elections o Comelec kahit araw ng sabado at linggo para makilahok sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sinabi ni Atty. Marino Salas, Comelec Supervisor ng Pangasinan na para sa edad kinse hanggang disisyete anyos na magpaparehistro para sa SK elections ay kailangang magdala ng birth certificate at school ID.

Bukod dito, bukas din ang Comelec para sa regular na rehistrasyon sa mga may edad disiotso anyos pataas para sa sabay na botohan na gaganapin sa barangay election sa Oktubre a-trentay uno.

Payo ng Comelec na magdala ng sapat na kinakailangang dokumento tulad ng valid ID’S o government issued ID tulad ng passport at SSS ID.

Paalala naman ni Salas na hindi sila nagpo-proseso ngayon ng transfer of registration mula sa mga karatig bayan o lalawigan upang maiwasan ang vote buying at hakot system sa mga barangay.

Speak Your Mind

*