Con-Con para gawing Federal ang pamahalaan, isinumite sa Kongreso

Nagsumite na ng joint resolution ng kongreso si Incoming House Speaker Bebot Alvarez para sa Constitutional Convention o Con-Con.

Ito’y para bigyang daan ang isinusulong na Federalismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero paglilinaw ni Alvarez, magsasagawa sila ng public consultations sa mga polisiyang nais ipatupad ng Duterte Administration.

Sa inihaing joint resolution, ipinunto ni Alvarez na magkakaroon ng political security at pang-matagalang kapayapaan ang Mindanao kung gagawing Federal ang gobyerno.

Naghain din ng joint resolution si Congressman Albee Benitez para sa Constitutional Assembly.

Bukod sa pagbabago ng konstitusyon para sa Federalismo, nais din ng Duterte administration na pababain ang edad ng mga menor-de-edad na gumagawa ng ilegal na aktibidad, at ang pagbabalik ng death penalty.

Speak Your Mind

*