Crime rate sa Dagupan, bumaba ng tatlumpong porsyento ngayong buwan

PNP Abrahano

Umabot sa tatlumpong porsyento ang ibinaba sa crime rate sa lungsod ng Dagupan ngayong taon kumpara sa kaparehas na taon noong 2015.

Ito ang kinumpirma ni P/Supt Christoper Abrahano, hepe ng Dagupan PNP sa ginanap na sa Kapisanan ng mga Broakaster ng Pilipinas o KBP Forum kahapon.

Ayon kay Abrahano, kung dati rati ay nakapagtatala sila ng labin dalawang kaso ng theft gaya pandurukot at salisi  kada linggo ngayon ay nakapagtatala na lamang ng apat na kaso.

Maliban dito, wala narin umanong naitatalang kaso ng roberry at hold-up sa lungsod mula ng mahigpit na ipatupad ang kampanya kontra iligal na droga.

Umapela naman sa puliko ang Dagupan City PNP na makiisa at samahan sila sa kampanya laban sa ilegal drug upang makamit ang mapayang lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*