Crime rate sa Pangasinan ngayong Hulyo, bumaba ng 21%

Umabot na dalawamput isang porsyento ang ibinaba ng crime rate sa lalawigan ng Pangasinan mula nang mahigpit na ipinatupad ang anti-drug campaign.

Batay sa Police Provincial Office o PPO sa loob lamang ng isang buwan ay bumaba na ang naitatalang kaso ng carnapping, theft, robbery, at cattle rustling sa lalawigan.

Ganunpama, inihayag ni P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation ng PPO, na puspusan parin ang kampanya ng PNP sa kampanya laban sa kreminalidad.

Ayon pa kay Candelario, malaki ang naitulong ng kanilang kampanya kontra iligal na droga sa pagbaba sa kaso ng crime against property sa Pangasinan.

Sa kasalukuyan ay kinakalap pa ang ulat mula sa ibat-ibang istasyon ng pulisya sa lalawigan kaugnay sa crime against person kabilang na rito ang murder at rape.

Speak Your Mind

*