Dalawang Taiwanese na nahulihan ng mahigit 300-kilo ng Shabu, pinakakasuhan na.

Nakatakda ng sampahan ng kaso sa korte ang dalawang Taiwanese na na-inquest noong Huwebes matapos maaresto sa Las Piñas City noong July 5 at nakumpiskahan ng mahigit 300-kilo ng shabu.

Sa 14-na-pahinang resolusyon ay inirekomenda ni Asst. State Prosecutor Alexander Suarez ang pagsasampa na ng kaso laban kina Tsai Shih-Ming and Cheng Kuo-Chuan.

Ayon sa Deartment of Justice, malinaw na may kinalaman ang dalawang Taiwanese sa mga nadiskubreng shabu sa tinutuluyan nilang bahay sa Las Pinas.

Samantala, Ibinasura naman ang DoJ ang kasong may kaugnayan sa paggawa ng droga laban sa naturang mga Taiwanese dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

 

Speak Your Mind

*