Dating Pangulong Aquino, tagumpay ng lahat ang desisyon ng Arbitration Court

Itinuturing ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang tagumpay ng Pilipinas sa kaso nito sa China bilang “victory for all”.

Sa isang statement, sinabi ni Aquino na mas mainam na ituring na panalo ng lahat ang naging desisyon ng permanent Court of Arbitration sa agawan sa teritoryo sa South China Sea.

Pinasalamat din ni Aquino ang delegasyon ng Pilipinas sa Arbitral Proceedings.

Pinasalamatan din ni Aquino ang mga abugado at eksperto na tumulong sa Philippine Team kabilang sina Paul Reichler ng Washington-Based Law Firm na Foley Hoag.

Naniniwala ang dating pangulo na nalalapit na ang pagkakaroon ng permanenteng closure sa isyu.

Hinikayat naman ni Aquino ang publiko na basahin at pag-aralan ang naging ruling ng tribunal para mas maunawaan ang usapin.

Speak Your Mind

*