Dela Rosa, itinangging may pulitika sa likod ng pagbubunyag sa Narco-generals

Iginiit ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na walang halong pulitika ang pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limang heneral na umano’y sangkot sa droga.

Ayon kay Dela Rosa, bilang pangulo, hawak ni Duterte ang impormasyon sa limang umano’y Narco Generals mula sa halos lahat ng Intelligence Agency.

May listahan pa aniya si Duterte ng ibang pulis na sangkot sa droga na pwede aniyang i-anunsyo ng pangulo kahit kailan.

Gayunman ay hinihintay pa ng PNP ang resulta ng imbestigasyon ng NAPOLCOM sa tatlong aktibo pang heneral.

Speak Your Mind

*