DEPED, nag-iikot na para sa Brigada Eskwela Search for Best Implementing Schools

Sinimulan na ng Department of Education o Deped Regional Technical Working Group ang pag-ikot sa mga paaralan sa buong rehiyon para sa Brigada Eskwela Search for Best Implementing Schools.

Ito ang inihayag ni Abigail Cabilin, Project Development Officer ng Deped Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio sa bisa ng Deped Memorandum No. 68 serries of 2015.

Ayon pa kay Cabilin, lahat ng labin apat na school division sa rehiyon ay bibisitahin ng binuong team para malaman kung sino ang mga paaralan na maayos na nakapagsagawa ng Brigada Eskwela.

Magtatapos naman ang regional level on-site evaluation and validation hanggang agosto a-singko ngayong taon.

Nabatid na ang Brigada Eskwela Best Implementing Schools Awards ay hinati sa tatlong kategorya kabilang na ang small school category; big school category at exceptional school category kung saan bawat category ay kakatawan sa elementary at  secondary school.

Speak Your Mind

*