DEPED-RO1, nalampasan ang target na enrollees sa Senior High School

Nalampasan na ng Department of Education o DEPED Region 1 ang kanilang target na bilang ng mga enrollees para sa mga Senior High School sa buong Region 1.

Ito ay batay sa data ng Deped hanggang ngayong Hulyo 20, umabot na sa 82,834 ang bilang ng mga enrollees sa mga Senior High School mataas ng 834 sa kanilang target ng 82,000.

Ayon kay Cesar Bucsit, Public Affairs Unit ng DEPED Regional Office 1, lumalabas na 1.01 percent ang enrollment sa Senior High School subra pa sa kanilang inaasahan.

Naitala naman aniya sa Pangasinan 1 School Division ang may pinakamataas na bilang ng mga enrollees sa buong Region 1 na may bilang na 20,569.

Nabatid na umaabot sa 160 ang bilang ng mga paaralan sa buong rehiyon, 130 dito ay mula sa mga pampubliko at 30 ay mula naman sa mga pribadong paaralan.

Speak Your Mind

*