Drug case ng mga naaresto sa floating shabu lab, tinapos na ng DOJ

Idineklara ng Department of Justice na submitted for Resolution na ang drug case ng apat na Hong Kong Nationals na naresto sa tinaguriang floating shabu laboratory sa karagatang sakop ng Subic, Zambales.

Nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Section 8 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga akusadong sina Shu Fook Leung, Kam Wah Kwok, Win Fai Lo, at Kwok Tung Chan.

Nakasakay ang apat na dayuhan sa isang barkong pangisda nung nasakote sa laot at nakumpiskahan sila ng kalahating kilo ng shabu na nagkakahalagang P2.5-Million.

Sa pagdinig ni Senior State Prosecutor Juan Pedro Navera kanina ay sinuri ang pasaporte ng mga ito at nadiskubre na ang isa mga akusado ay naka-apat na beses ng pumasok sa Pilipinas bilang turista habang ang isa ay pangalawang ulit na pero sa una niyang pagpunta sa Pilipinas ay walang tatak ang kanyang passport.

Speak Your Mind

*