Drug personalities na sumuko sa Region 1, umabot na sa mahigit 4,000

Umabot na sa mahigit apat na libong drug personalities ang boluntaryong sumuko sa ibat-ibang police station sa buong rehiyong uno.

Naitala ang pagsuko ng 4,186 sangkot sa paggamit at pagtutulak ng iligal na droga mula a-uno hanggang a-dose ng hulyo, simula nang ipinatupad ang “Oplan tokHang”.

Ayon kay PC/Supt. Ericson Velasquez, Regional Director ng Police Regional Office 1 (PRO1), sa loob lamang ng halos dalawang linggo pumalo na sa 989 drug personalities ang sumuko sa Pangasinan, 2,030 sa La Union, 766 sa Ilocos Sur at umabot naman sa 401 ang sumuko sa Ilocos Norte.

Nangako naman ang mga sumukong drug personalities na hindi na nila babalikan ang masamang bisyo sa pamamagitan ng kanilang pledge of commitment.

Handa rin umano silang tumulong sa pamahalaan para mas mapa-igting pa ang kampanya kontra sa ilegal na droga.

——

Bilang ng mga naaresto sa region 1 na sangkot sa iligal na droga, umabot na sa mahigit dalawan daan

Nakapagtala na ang Police Regional Office 1 (PRO1), mahigit dalawang daang katao na sangkot sa ilegal na droga mula sa apat na lalawigan sa rehiyong uno.

Ayon kay PC/Supt. Ericson Velasquez, Regional Director ng Police Regional Office 1 (PRO1), ang 228 na naaresto ay mula sa pinalakas na implementasyon ng search warrants, oplan sita, at buy-bust operations.

Naitala naman sa lalawigan ng Pangasinan ang pinaka-maraming naaresto na umabot sa 134 katao, habang sa La Union ay nakapagtala ng 31 katao, 25 katao naman ang naaresto sa Ilocos Sur at 38 sa Ilocos Norte.

Pumalo naman sa pito (7) katao na drug user at pusher ang napatay sa magkakahiwalay na engkuwentro ng pulisya sa Pangasinan habang ikinakasa ang anti-illegal drugs operations.

Idinagdag naman ni Velasquez na umabot na sa 2,659 kabahayan sa rehiyon ang isinailalim sa “Operation Tokhang” ng PNP.

Nabatid ang ang Oplan Tokhang ay mula sa salitang bisaya na “toktok” at “hangyo” na ang ibig sabihin ang “katok” at “paki-usap”.

Speak Your Mind

*