DTI, inilunsad sa pangasinan ang e-presyo application

Inilunsad ngayong araw ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Online Price Monitoring System (OPMS) o ang e-Presyo Application.

Ayon kay Marjury Loresco, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, ang nasabing online system ay pamamaraan upang mas mabilis malaman ang presyo ng mga basic at prime commodities.

Dagdag pa ni Loresco na sa e-Presyo System hindi lang makikita ang mga suggested retail prices at prevailing prices ng mga basic and prime commodities kundi ang listahan ng mga groceries na may mababang presyo.

Sa ngayon ang mga istablisyemto pa lang sa Pangasinan na may ganitong sistema ay ang SM City Rosales, Savewise at CSI Supermarket sa bayan ng Rosales.

Target naman ng dti na maabot ang lahat ng groceries at supermarkets sa buong lalawigan.

Samantala, ang e-Presyo Application ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng pag-download ng mga android phones.

Speak Your Mind

*