DTI, planong magtayo ng Negosyo Center sa lahat ng munisipyo ng Pangasinan

Nakasentro ngayon ang Department of Trade and Industry o DTI sa pagtatatag ng mga Negosyo Center sa bawat municipalites sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng dzrd sonshine radio kay Froebel Loresco, Senior Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, sinabi nito na ang bagong DTI Secretary na si Ramon Lopez ay dating “Go Negosyo’s” Executive Director.

Inihayag naman ni Loresco na nito lamang katapusan ng buwan ng Hunyo ay nakapagtayo ng dalawa pang negosyo center sa bayan ng Lingayen at Mangaldan.

Dahil aniya sa Negosyo Center ay lahat ng mga serbisyo ng tanggapan ng DTI ang maaa-vail na sa negosyo center.

Layun umano ng negosyo center na ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) at mga mag-uumpisa pa lamang na mag-negosyo.

Speak Your Mind

*