Duterte, binalaan ang mga Mining Companies

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Mining Companies na kapag nabigo ito sa rehabilitation program nito sa mga lugar na pinagmiminahan  nito ay kaniyang babawiin ang kanilang permit.

Ito ang binigyan diin ni Duterte partikular na sa Mining Company na pag-aari ni Francis Enrio ‘Eric’ Gutierrez sa Tubay, Agusan del Sur.

Ayon kay Duterte, wala itong nakitang mga itinanim na puno sa lugar na dinaro ng kumpare ni Gutierrez sa Agusan del Sur at kapag hindi ito naaksyunan ay kakanselahin ang papeles nito.

Una nang napaulat na SR Metals Inc. na pag-aari ni Gutierrez ay kilalang financer at support ng Liberal Party.

Magugunitang may pag-aari na private plane si Gutierrez na ipinapahiram kay LP presidential bet Mar Roxas noong panahon ng kampanyan.

Speak Your Mind

*