Duterte, hinamong umalis sa pwesto ang mga tiwaling opisyal ng PNP

Zero tolerance sa mga pang-aabusong ginagawa ng mga law-enforcement agencies.

Ito ang ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis sa kanyang talumpati sa Change of Command ng Philippine National Police.

Payo pa ni Duterte sa mga pulis, huwag makisalamuha sa mga kriminal.

Tahasan ding sinabi ni Duterte na mas mainam pang umalis na lang sa pwesto ang mga heneral na corrupt.

Alam din umano niya ang mga maliliit na klase ng korapsyon sa PNP gaya ng pagko-convert ng gas stubs sa cash.

Nangako naman si Duterte na hindi makikialam sa pag-aappoint ng mga opisyal sa PNP at sa AFP.

Binigyang diin din ni Duterte ang kanyang pangakong dodoblehin ang sahod ng mga pulis.

Pero dapat aniyang mapanatili ng pulisya ang maganda nitong track record lalo na sa paglaban sa droga at krimen.

Speak Your Mind

*