Fast lane para sa mga pasyente ng dengue at leptospirosis, ipinapatupad

Ipinapatupad na sa Provincial, District at Community Hospital sa lalawigan ng Pangasinan ang paglalagay ng fast lane para sa mga may sakit na dengue.

Ito’y matapos umaabot sa siyam naraan apatnaput siyam (949) na kaso ng dengue ang naitala sa lalawigan mula buwan ng Enero hanggang Hulyo ngayong taong 2016.

Batay naman sa tala ng Provincial Health Office (Pho), mas mababa ito sa 12 porsyento sa naitalang kaso sa kaparehas na panahon noong 2005 na pumalo sa 1,081 kaso ng dengue ngunit lima naman ang naitalang namatay.

Sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman, prayoridad sa inilagay ng fast lane ang mga suspected dengue cases lalo na kung ito ay may lagnat mula tatlo hanggang limang araw.

Samantala, bukod sa dengue kasama din sa prayoridad sa fastlane ang may sakit na leptospirosis kung saan nakapagtala narin ang pangasinan ng 22 na kaso, at tatlo rito ang namatay.

Speak Your Mind

*