FOI measure sa ehekutibo itinuturing na urgent ng Duterte Admin

Nasa final stages na ang Freedom Of Information (FOI) measure na nais ipatupad ni President Rodrigo Duterte sa buong ehekutibo.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar isang raw matapos makipagpulong ito sa ilang FOI Advocates tulad Philippine Center For Investigative Journalism at Right To Know Right Now Coalition.

Binigyang diin ni Andanar na itinuturing ng Duterte Administration ang FOI measure na ‘urgent’ at dapat na maipatupad agad.

Matatandang sinabi ng Palasyo kahapon na umaasa itong malalagdaan ngayong biyernes ni Pangulong Duterte ang executive order na siyang magpapatupad ng Freedom Of Information sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Office Of The President.

 

Speak Your Mind

*