Food distribution sa Venezuela, isinailalim na sa kontrol ng militar

Isinailalim na sa kontrol ng militar ang food distribution sa Venezuela.

Ito’y kasunod ng lumalalang food crisis at sunod-sunod na riot sa bansa.

Itinalaga rin ni Venezuelan President Nicolas Maduro si Defense Minister Vladimir Padrino Lopez na pamunuan ang food distribution sa bansa.

Umaasa naman si Maduro na maiibsan ang krisis sa pamamagitan ng mahigpit at tamang distribusyon ng food supplies sa tulong ng militar.

Una nang nag-anunsyo ng economic emergency ang Venezuela noong nagdaang buwan.

Speak Your Mind

*