GDP para sa taong 2016, nirebisa ng Administrasyong Duterte

Nirebisa ng Economic Managers ni Pangulong Rodrigo Duterte ang target na Gross Domestic Product para sa taong ito.

ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, target nila ang anim hanggang pitong porsyentong GDP ngayong taon at six point five hanggang seven point five percent naman sa 2017.

Dagdag pa ni Diokno, ang mas mababang 2016 Growth Forecast ay para na rin makabawi sa gastusin ng eleksyon at sa mabagal at mahinang paggastos sa Imprastraktura at Agrikultura.

Sa unang bahagi ng 2016, bago ang pagpapalit ng Administrasyon, pumalo sa six point nine percent ang GDP ng bansa.

Samantala, nasa three point three trillion pesos naman ang hihinging budget ng Administrasyong Duterte para sa taong 2017.

Inaasahang isusumite ng Duterte Administration ang kanilang panukalang National Budget para sa susunod na taon sa agosto a-kinse.

Speak Your Mind

*