Gilas, bigo nang makausad sa susunod na round ng Fiba Olympic Qualifying Tournament

Bigo ang Gilas Pilipnas na makausad sana sa susunod na round ng Fiba Olympic Qualifying Tournament matapos pataubin ng New Zealand kagabi sa iskor na 89-80.

naging susi sa panalo ng Number 31 Fiba Ranked ang kanilang mahigpit na opensiba at depensa na ginawa ng magkapatid na Tai at Corey Webster na may iskor na 22 at 19 points bawat isa.

naulit muli ng gilas ang maraming bilang ng Turnovers sa laro kontra New Zealand, na siya ring naging sanhi ng kanilang pagkatalo sa opening day ng Torneyo kontra France.

umabot sa 14 ang kabuuang turnovers ng gilas sa 24 shots mula sa 64 attempts.

samantala, bukas makakaharap ng new zealand ang koponan ng france.

dito matutukoy ang standing ng dalawang koponan kung sino ang papasok sa Semifinals ng Torneyo.

Speak Your Mind

*