Hillary clinton, pormal ng inendorso bilang kandidato ng Democratic Party

Pormal ng inendorso ni Vermont Senator Bernie Sanders si Hillary Clinton bilang kandidato ng Democratic Party sa eleksyon sa Nobyembre sa Amerika.

Sa pahayag ni Sanders, si Clinton umano ang pinaka-akmang lumaban sa nalalapit na eleksyon at tiwala siyang ipapanalo nito ang halalan.

Umaasa naman si Clinton na makakatanggap ng suporta para manalo sa eleksyon mula sa mga taga suporta ni Sanders matapos siyang iendorso nito.

Gayunman, 4o porsyento lamang na taga suporta ni Sanders ang nagsabing iboboto si Clinton batay sa huling Reuters o LPSOS Poll.

Makakalaban ni Clinton sa pagkapangulo sa U.S si Donald Trump.

Speak Your Mind

*