Hindi bababa sa sampung pulis Pangasinan, nagsisilbi umanong protektor ng droga

Nagsagawa ng Command Conference ang bagong talagang Officer-in-Charge ng Police Provincial Office (PPO) na si PS/Supt. Ronald Lee, kung saan tinalakay rito ang malawakang kampanya ng pulisya kontra ilegal drigs.

Tinalakay rin dito ang inilabas na listahan ng PNP head quarter office na hindi bababa sa sampung pulis sa pangasinan ang nagsisilbing protektor ng droga

Naniniwala naman ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation ng PPO, na ang nasabing listahan ng mga pulis na sangkot sa iligal na droga ay bahagi sa paglilinis sa hanay ng kapulisan.

Dahil dito, mas pinapaigting ng PNP ang kanilang counter intelligence para makakalat ng karagdagang ebidensya para matukoy ang kumpirmadong pagkakaugnay ng naturang mga pulis sa iligal na droga.

Speak Your Mind

*