Ian Lariba, napiling maging flag bearer ng Pilipinas sa 2016 Olympics

Napili na maging flag bearer ng Pilipinas ang kauna-unahang pinay olympian para sa table tennis para sa 2016 Olympics.

Ipinagkatiwala ng Philippine Olympic Committee kay Ian Lariba ng De La Salle University ang karangalan na dalhin ang bandila ng Pilipinas sa multisport event sa Rio Olympics.

Isa si Lariba sa labing isang pinoy athletes na tutungo sa Rio de Janeiro, Brazil sa darating na sabado para sa nasabing torneyo na magsisimula sa Agosto a-singko.

Kasama na ngayon si Lariba sa mga sikat na flag bearers ng Pilipinas tulad ni retires boxer senator Manny Pacquiao.

Magugunita na si Pacquiao ang siyang nagdala ng bandila ng bansa noong 2008 sa Beijing Olympics kahit hindi pa naman siya kalahok sa torneyo.

Speak Your Mind

*