Implementasyon ng MEDPlus ng OWWA, pinag-aaralan na

Pinag-aaralan na ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ang implementasyon ng supplemental medical assistance program for OFWS o MEDPlus.

Ang MEDPlus ay isang medical assistance program ng OWWA para sa mga active OFW’s member na nakarahas ng malubhang sakit na kinakailangan ng malaking pera para sa pagpapagamot.

Ayon kay Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region1, posibleng sa huling buwan ng taong 2016 ipatupad ng MEDPlus dahil hinihintay nalang ang implementing rules and regulation ng naturang program.

Inaasahan namang makakatanggap ng hanggang P50,000 financial assistance ang active owwa at philhealth members kung sila ay mako-cover ng MEDPlus.

 

Ang tinig Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region1, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio

Speak Your Mind

*