Indiana Governor, tinanggap na ang nominasyon sa pagka-bise Presidente

Opisyal nang tinanggap ni Indiana Governor Mike Pence ang nominasyon ni Republican Presidential Nominee Donald Trump para sa pagka-bise presidente.

Mainit naman ang naging pagtanggap ng indiana delegates kay Pence.

Pero bago magtalumpati si Pence, napuno ng kritisismo ang talumpati ni Ted Cruz na mahigpit na katunggali Trump sa primary contest.

Hindi kasi nagpahayag ng pagsuporta si Cruz kay Trump at nagpahiwatig pa na posibleng muling tumakbo sa pagka-Presidente sa 2020.

Inaasahan namang bukas ay pormal nang tatanggapin ni Trump ang Republican nomination sa kanya.

Speak Your Mind

*