Intensive Operations kontra mga colorum na sasakyan, isinagawa ng LTFRB

Nagsagawa ngayong araw ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng Intensive Anti-Colorum Vehicle Operations sa Balintawak Quezon City.

Katuwang ng LTFRB ang Metropolitan Manila Development Authority, Highway Patrol Group, at Land Transportation Authority.

Sampung colorum na van ang nahuli sa naturang operasyon kung saan pinakamarami sa Balintawak.

Kabilang sa nahuling nagmamaneho ng colorum na sasakyan ang isang pulis na naka-assign sa Makati.

Isang milyon ang nakapataw na parusa sa mga colorum na bus, two hundred thousand sa mga van, fifty thousand sa mga jeep, at one hundred twenty thousand sa mga sedan taxi.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra, magiging tuloy-tuloy ngunit pa-sorpresa ang mga operasyong kanilang gagawin kontra colorum.

Speak Your Mind

*