Isinagawang Buntis Congress sa bayan ng Villasis, matagumpay

Matagumpay ang isinagawang ika-siyam na Buntis Congress sa bayan ng Villasis, Pangasinan kahapon, a-trese ng Hulyo bilang bahagi sa selebrasyon ng Nutrition Month.

Ayon kay Provincial Health Officer (PHO) Dr. Anna de Guzman, ang nasabing aktibidad ay isinagawa upang maitaas ang kaalaman ng mga buntis patungkol sa kahalagahan ng panganganak sa mga birthing facility o hospital.

Nakasentro din ang aktibidad sa pagtuturo sa mga buntis ng kahalagahan ng breastfeeding, pagkakaroon ng sapat na nutrisyon at pagpaplano ng pamilya.

Sa ilalim ng kampanyang “anak ko, buhay ko, mahal ko, ang buntis congress ay isang daan rin upang maiparating ang kahalagahan ng pagpapakunsulta sa doctor.

Dinigyang diin pa ni de Guzman na ang pre natal check up ay mahalaga dahil dito malalaman kung sino ang mangangailangan ng dugo, at sino ang kailangang sumailalim ng normal delivery o ceasarian section.”

——

Dalawan daang buntis, nabenepisyuhan ng isinagawang Buntis Congress

Mahigit dalawang daan (200) mga buntis sa bayan ng Villasis, Pangasinan ang nabenepisyuhan ng isinagawang ika-siyam na Buntis Congress, kahapon.

Kabilang sa mga ibinigay sa mga buntis ang libreng serbisyo tulad ng laboratory examination, pre-natal check-up, ultrasound, beauty care, dental care, at livelihood training.

Sinabi naman ni Dr. Anna de Guzman, Provincial Health Officer (PHO) na patuloy na pinapatupad ng provincial government ang point of care program kung saan wala silang babayaran sa ospital kung saan sila manganganak.

Sumailalim rin ang mga nanay sa libreng visual inspection thru acetic acid (via) examination isang paraan upang malaman kung ang isang babae ay may cervical cancer.

Maliban dito, isinusulong din natin ng PHO ang vasectomy, isang pamamaraan upang tuluyan nang hindi magkakaanak ang lalaki.

Speak Your Mind

*