JC de Vera, nagulat sa pag-amin ni Jessy Mendiola sa dating status nila ni Luis Manzano

Ikinagulat ng aktor na si JC de Vera ang pag-amin ni Jessy Mendiola sa ‘dating status’ nila ni Luis Manzano.

Bagamat nagulat ang aktor ay masaya umano siya hanggat masaya si Jessy sa mga desisyon nito.

Say pa ni JC, hindi niya alam ang buong istorya dahil hindi niya ugaling magtanong sa personal life ng aktres.

Nilinaw din nito na iniwasan niyang ligawan ang sexy aktres para maiwasang masira ang kanilang samahan sa trabaho.

Matatandaan naging close friends si JC at Jessy matapos magkatambal sa isang teleserye.

 

Speak Your Mind

*