Jessy Mendiola, itinanghal nang sexiest woman ng isang Men’s Magazine

Inilabas na ng FHM Magazine ang resulta ng kanilang online poll sa pinaka-sexy na babae sa bansa.

Sa kauna-unahang pagkatataon, si Jessy Mendiola ang nanguna at itinanghal na sexiest woman ng nasabing Men’s Magazine.

Last year, nasa 23rd spot lang si Jessy ngunit ngayon ay naungusan na niya ang mga celebrity gaya nina Angel Locsin, Jennylyn Mercado at Marian Rivera bilang sexiest woman.

Say naman ng fhm.com.ph’s managing editor na si B.A Borleo, hindi na kwestiyon kung bakit si Jessy ang nakakuha ng top spot, mas ang kwestiyon pa aniya ay kung bakit ngayon lang ito nanguna bilang pinakasexyng babae sa bansa.

Ilalabas naman ng FHM ang listahan ng kanilang 100 sexiest sa susunod nilang magazine issue next month.

Speak Your Mind

*