Jessy mendiola, walang nakikitang masama sa paglabas kasama si Luis Manzano

Walang nakikitang masama ang aktres na si Jessy Mendiola sa paglabas nila ni Luis Manzano.

Say ni Jessy, madalas naman silang lumalabas ng T.V Host at hindi naman sila nagtatago dahil may mga pinopost naman silang pictures sa social media.

Simula April ay nali-link na si Jessy kay Luis nang mag-post ang aktres ng litrato kasama si Luis para sa birthday nito.

Iginiit naman ni Jessy na friends sila ng T.V Host.

Yes naman ang sagot ni Jessy nang tanungin kung may tsansang maging sila ni Luis pero hindi naman nito sinabi kung nililigawan siya ng T.V Host.

Speak Your Mind

*