Judicial and Bar Council, nag-interview na para sa mababakanteng posisyon

Natapos na ang Judicial and Bar Council na interbyuhin ang mga kandidato para sa posisyon ni Sandiganbayan Justice Teresita Diaz-Baldoz.

Si Baldoz ay magreretiro na sa hulyo a-bente dos matapos ang labintatlong taong serbisyo sa Sandiganbayan.

Ilan sa mga kasong hinawakan ni Justice Baldoz ang mga kaso ng Presidential Commission on Good Government laban sa mga Marcos.

Hinawakan din ni Justice Baldoz ang Civil Case laban kay dating Chief Justice Renato Corona at kasong katiwalian ni Cebu Congressman Gwendolyn Garcia.

Speak Your Mind

*