Kampanya ng Dagupan City PNP kontra ilegal na droga, wala umanong sinasanto

Walang sinasanto ang kampanya ng Philipinne National Police (PNP) kontra ilegal na droga.

Inihayag ito ni Dagupan City Chief of Police P/Supt. Christopher Abrahano, kasunod ng pagkaka-aresto kay dating PO1 Wilson Ballesteros dahil sa pagkakasangkot nito sa ilegal drugs.

Binigyang diin ni Abrajano walang pinapanigan ang pulisya sa pagpapatupad ng batas kahit na ang mga suspek ay dating mga alagad ng batas.

Sa katunayan, ilang kaso na umano ng dating pulis ang mahuli ng Dagupan PNP dahil sa ilegal ng droga.

Samantala, pumalo na sa isandaang porsyentong pagtaas ang naitatalang drugs operation ng dagupan pnp mula noong 2013.

Dagdag pa ni Abrajano na hindi pa man natatapos ang taong 2016, pumalo na sa 110 drugs operation ang naisagawa ng Dagupan PNP.

——-

Mga isinagawang ilegal drugs operation sa dagupan, sangkot ang malaking halaga ng pera

Hindi naniniwala ang Dagupan PNP na nagbibigay ng pangit na impresyon kung makapagtala man sila ng mataas na accomplishment sa ilegal drugs operation.

Ito ang hinihayag ni P/Supt. Christopher Abrahano, Chief of Police ng Dagupan PNP sa panayam ng DZRD Sonshineradio, kung saan mas mabuti naman aniya na may mahuhuli silang sangkot sa iligal drugs kaysa wala.

Iginiit pa ni abrahano na malalaking halaga ng pera ang sangkot sa kanilang mga isinagawang ilegal drugs operation sa syudad.

Mahalaga naman ani Abrahano ang koordinasyon ng Local Government Unit (LGU’S) sa kampanya kontra ilegal drugs kabilang na rito ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC)

Ang Tinig ni P/Supt. Christopher Abrahano, Chief of Police ng Dagupan PNP sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*