Kapayapaan at laban kontra drugs, iginiit ni Duterte sa bagong AFP command

Muling binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kagustuhang magkaroon ng tunay na kapayapaan ang bansa.

Sa kanyang talumpati sa AFP Change of Command sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Duterte na handa siyang makipag-usap kay Moro National Liberation Front Leader Nur Misuari para sa kapayapaan sa Mindanao.

Dagdag pa ng pangulo, kahit pa may mga armas ay dapat nang matigil ang awayan.

Nagbabala rin si Duterte sa mga drug lords partikular ang mga nasa bilibid.

Banta ni Duterte sa mga drug lords partikular ang mga nasa bilibid, magbilang na ng araw para itigil ang ilegal na gawain.

Hiniling ni Duterte sa AFP na makiisa sa pnp para sa kampanya laban sa droga.

Speak Your Mind

*