Kaso ng dengue sa Pangasinan, sampung porsyento ang ibinaba

Sampung porsyento na ang ibinaba ng kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon.

Batay sa tala ng Pangasinan Provincial Health Office, umabot sa 1,076 ang kaso ng dengue mula buwan ng Enero hanggang Hulyo ang naitalang ngayong taon, mas mababa sa naitalang kaso na 1,202 sa kapaehas na panahon noong nakaraan taon.

Naitala na ngayong taon ang PHO ng anim na namatay sa sakit na dengue, mas mababa parin sa naitalang siyam na namatay noong nakaraang taon.

Ganumpaman, patuloy naman umano ang kampanya ng pho laban sa nakamamatay na sakit na dengue kabilang na rin ang pagbibigay sa mga paaralan ng anti-dengue solution, kurtina at mosquito net.

Sinabi pa ni Dr. Anna Marie de Guzman, PHO Officer na patuloy ring binabantayan ang sampung bayan sa pangasinan na may mataas na kaso ng dengue kabilang na rito ang bayan ng Asingan, Malasiqui, San Carlos, San Fabian, Alaminos City, Pozorrubio, Bayambang, Calasiao, San Manuel, at bayan ng Lingayen.

Speak Your Mind

*