Kaso ng dengue sa Pangasinan, umabot na sa higt 949, lima katao na ang patay

Umaabot na siyam naraan apatnaput siyam (949) na kaso ng dengue ang lalawigan ng pangasinan mula buwan ng Enero hanggang Hulyo 18, 2016.

Ito ayon kay Rodha Binay-An, Disease Survilance Officer ng Provincial Health Office (PHO) Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan lima katao na ang namatay.

Batay sa tala ng PHO, mas mababa ito sa naitalang kaso sa kaparehas na panahon noong 2005 na pumalo sa 1,081 kaso ng dengue at siyam na katao ang namatay.

Sinabi pa ni Binay-an Na kalimitang dahilan ng pagkamatay ng pasyente ay malala na ang sakit bago dalhin sa hospital

Patuloy naman umano binabantayan ng PHO ang mga bayan na may mataas na kaso ng dengue kabilang na ang bayan ng Asingan, Pozorrubio, Malasiqui, Bayambang, San Carlos, Calasiao, San Manuel, San Fabian, Lingayen at bayan ng Mangaladan.

Speak Your Mind

*