Kaso ng iligal drugs sa Dagupan, hindi na dapat ipag-taka ayon sa PPO

Hindi na umano dapat ipagtaka kung bakit nakakapasok at may mataas na kaso ng iligal drugs sa lungsod ng Dagupan.

Ito ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ay dahil ang dagupan ang pangunahing lungsod sa lalawigan.

Sinabi pa ni Candelario na sentro rin ng negosyo ang Dagupan kay maraming residente na mula sa ibat-ibang lalawigan ang naninirahan sa lungsod.

Ito aniya ang isa nga pangunahing dahilan kung kayat may nakakapasok na iligal na droga sa lungsod.

 

Kasabay nito, tiniyak nman ng PNP na tuloy-tuloy ang kanilang ipatutupad na Oplan Digong o “droga’y iwaksing ganap upang bansa’y mapayapang ganap” kung hinihikayat nila ang taumbayan na suportahan sila laban sa iligal na droga.

Speak Your Mind

*