Kaso ng malnutrisyon sa Pangasinan, bumaba sa 1.74% ngayong taon

Umabot na lamang sa 1.74 percent ang kaso ng malnutrisyon sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon mula sa dating 2.47 percent noong nakaraang taon.

Batay ito sa huling tala ng Provincial Health Office (PHO), mula sa isinagawang pagtitimbang ng mga barangay nutrisyon schoolar sa kada barangay sa lalawigan.

Ayon kay Dr. Anna de Guzman, PHO Officer ng Pangasinan, halos limang libong mga bata ang nabawas sa dating listahan ng malnutrisyon.

Tuloy-tuloy naman ang programa ng probinsya sa mga bayan na may mataas ng kaso ng malnutrisyon para sa pagsasagawa ng mga feeding program.

Kabilang naman sa healthiest municipalities ang bayan ng San Jacinto, Sta. Maria, Sual, Infanta, at bayan ng Basista.

Speak Your Mind

*