Kaso ng pamamaril sa Pangasinan kaugnay sa iligal na droga, labing apat na

Umabot na sa labing apat na kaso ng pamamaril ang naitala ng Police Provincial Office (PPO) sa lalawigan ng Pangasinan hanggang kahapon Hulyo a-dise otso.

Batay sa tala ng PPO, sampu sa naitalang kaso ay nabaril mula sa engkuwentro sa pagitan ng pulisya at drug personailites habang ang apat ay mula sa shooting insident o binaril ng mga hindi nakilalang suspek.

Nakapagsagawa narin ng 145 drug operation ng PPO sa buong lalawigan kung saan 181 dito ang naarestong drug personalities, at aabot naman sa 1.2 milyong pisong halaga ngiligal drug ang nakumpiska.

Inihayag naman ni Provincial Legal Officer Atty. Geraldin Baniqued, bagamat suportado ng provincial government ang kampanya ng kapulisan laban sa iligal na droga ay hindi parin dapat ilagay ang batas sa kanilang kamay.

—–

PPO, pabor na ipatawag provincial government hinggil sa insidente ng pamamaril

Pabor ang Police Provincial Office o PPO-Pangasinan sakali mang ipatawag sila ng provicial government kaugnay sa mga insidente ng pagkamatay ng mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga.

Una rito, nababahala na si Atty. Geraldin Baniqued, Provincial Legal Officer ng Pangasinan sa sunod-sunod na kaso ng pagpatay sa mga hinihinalang drug personalities.

Ayon pa kay Baniqued, gustong niwanagin ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino iii sa Police Provincial Director ang umanoy hindi na makatuwirang engkwentro sa pagitan ng pulis at ng mga drug personality.

Sinabi naman ni P/Supt. Ferdinand “Bingo” de Asis, Police Information Officer ng PPO na ginagawa lang nilang kanilang trabaho na naaayon sa mandato ng pulisya.

Umaasa naman ang PPO na makatutulong sa hanay ng pulisya sakaling ipatawag sila ng gobernador dahil mailalatag nila ang kanilang kampanya kontra kriminalidad at iligal na droga.

Speak Your Mind

*