Kasong kriminal laban kay Pnoy, inihain na ng pamilya ng SAF44

Inihain na ng mga pamilya ng SAF44 ang kasong kriminal laban kay dating pangulong noynoy aquino kaugnay sa madugong engkwentro sa mamasapano noong enero a-bente singko.

Ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Dante Jimenez, kaninang alas diyes isinampa ng grupo ang criminal charges kay Aquino.

Matatandaan inirekomenda ng Senado na sampahan ng kasong murder, frustrated murder at robbery ang mga responsible sa pagkamatay ng SAF44.

Kasama din sa mga kakasuhan sina dating PNP-Saf Director Getulio Napenas at dismissed PNP Chief General Alan Purisima.

Speak Your Mind

*