Kobe Pares, maglalaro na para sa Creighton University

Maglalaro para sa Creighton University sa Omaha, Nebraska si Filipino Basketball Star Kobe Paras para sa NCAA Division One.

Inanunsyo ni Paras sa pamamagitan ng twitter na maglalaro siya para sa Blue Jays matapos ma-pull out sa Universiy of California, Los Angeles (UCLA).

Dapat ay sa UCLA maglalaro si Paras pero nagkaroon siya ng academic deficiencies kahit pa nakapasa sa NCAA eligibility requirement.

Ilan sa mga alumni ng Creighton Blue Jays na umabot sa NBA ay sina Kyle Korver ng Atlanta Hawks, Doug Mcdermott ng Chicago Bulls, at Anthony Tolliver ng Sacramento Kings.

Speak Your Mind

*