“Kwento ni lola Basyang”, programang patuloy na isinasagawa ng OSCA Dagupan

Nagpapatuloy ang programang “Kwento ni Lola Basyang” ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa mga Daycare Center sa lungsod ng Dagupan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Atty. Coenelia Espanol, OSCA President ng Dagupan, ang Kwentong Lolo at Lola Bayang ay isang programang magtuturo sa mga kabataan ng moral value o magandang asal gaya ng pagmamamo.

Ani Espanol. Handang maglaan ng isang oras kada linggo ang miyembro ng Senior Citizen na mga ritered teacher para magturo sa Daycare Center na meron ang 31 Barangay ng Dagupan.

Maliban sa “Kwento ni Lola Basyang” nagpapatuloy din umano ang mga program ng OSCA gaya ng medical mission na isinasagawa dalawang beses kada buwan at ang mga libreng serbisyo kabilang na ang free medicine, free medical check up at free anti-flu at anti-pneumonia vaccination.

Samantala, magkakaroon naman  ng  free eye screening sa darating na a-dise syete ng Hulyo.

 

Ang tinig ni  Atty. Coenelia Espanol, Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) President ng Dagupan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

 

Speak Your Mind

*