Labor Secretary, patuloy na isinusulong na wakasan ang kontraktuwalisasyon.

Pursigido si Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello na wakasan na ang kontraktuwalisasyon sa bansa.

Nais din ni Bello na baguhin ang mga kuwalipikasyon sa paghahanap ng trabaho na sumisimbolo sa diskriminasyon.

Ayon kay Bello, mabusising pinag-aaralan ng ahensiya ang kanilang mga gagawing hakbang upang mawakasan ang kontraktuwalisasyon at maalis ang age bracket sa mga job qualifications.

Bukod dito, nakatakda ring makipag-ugnayan ang DOLE sa mga may-ari ng malls na huwag pagbawalang makaupo ang kanilang mga sales lady.

Samantala, naglagay naman ang ahensiya ng DOLE Hotline na magiging bukas sa publiko para sa anumang reklamo laban sa mga employer na hindi sumusunod sa mga ipapatupad na panukala.

Speak Your Mind

*