LDRRMC Dasol, problema ang mga mangingisda na matitigas ang ulo

Aminado ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) sa bayan ng Dasol, Pangasinan na maraming mangingisda ang matitigas ang ulo.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Adonis Aldrin Nono, LDRRMO Officer ng bayan ng Dasol, sinabi nito na mahirap pigilan ang pangingisda pumalaot kahit masama ang panahon.

Iginiit umano ng mga mangingisda na ito ang kanilang kabuhayan, at tuwing malakas ang alon ay saka naman maraming isda na nahuhuli.

Ang problema pa ani Nono, ay maraming mangingisda ang inaabot ng gale warning sa gitna ng karagatan dahil sa isang linggo nilang pananatili sa laot.

Ang tanging magagawa lamang umano ng LDRRMO ay makipag-koordinasyon sa may-ari ng bangka gamit ang kanilang radio equipment na pabalikin ang mga mangingisda dahil sa panganib na dala ng sama ng panahon o gale warming.

Speak Your Mind

*