LDRRMO Bolinao, ipinapatupad ng log-in, log-out sa mga mangingisda

Mahigpit na ipinapatupad ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) sa bayan ng Bolinao, Pangasinan ang paggamit ng log-in, log-out sa mga mangingisdang papalalot.

Ito ayon kay Dian Lovemore Cabranza, LDRRMO Officer ng bayan ng Bolinao ay upang mamonitor kung ilan ang bangka at mga taong pumalot.

Sistema na umano itong ipinapatupad ng Philippine Coast Guard (PCG) na kanila na lamang sinusunod.

Ngunit katulad ng problema sa bayan ng Dasol, marami aniya ang mga mangingisda sa Bolinao ang tumatakas lalo na kung masama ang panahon dahil alam nilang sila ay hindi papayagan.

Katuwiran pa umano ng mga mangingisda ay sanay na sila sa laot kahit na may sama ng panahon.

Speak Your Mind

*