LP pinal nang hindi sasali sa majority bloc sa Kamara

LP

Photo Credit: google.com

Kinumpirma ni  dating House Speaker at Quezon City Representative Feliciano Belmonte Jr. na hindi sasali sa majority bloc sa Kamara de Representantes ang Liberal Party (LP), ang partido ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon pa kay Belmonte, tinanggap niya ang hamon na maging lider ng House minority bloc.

Paliwanag  ni Belmonte nasa 240 na ang bilang ng mga kongresista na sumali sa super majority bloc kaya wala na ring punto kung sasali pa sila.

Halos 300 ang mga kongresista sa 17th Congress. Sinabi ni Belmonte na hindi na aabot sa 40 ang kanilang bilang at mayroon pang sasama.

Sa Lunes ng umaga ay magbubukas ang sesyon ng 17th congress at maghahalal ng House Speaker.

Inaasahan na ang posisyon ay makukuha ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez.

Ang lalaban sa speakership race na ikalawang may pinakamataas na boto ang magiging House minority leader.

Wala pang desisyon ang United Nationalist Alliance (UNA) kung sino kina Quezon Representative Danilo Suarez at Navotas Representative Toby Tiangco ang patatakbuhin nila sa speakership race.

Speak Your Mind

*