Luzon Grid, balik na sa normal ang suplay ng kuryente

Balik sa normal ang alert status ng Luzon grid ngayong araw.

Ayon sa Department of enErgy, balik operasyon na ngayong tanghali ang Ilijan Power Plant sa Batangas.

Inaasahang nasa eight hundred twenty nine megawatts ang reserba sa kuryente kaninang umaga habang nine hundred sixteen megawatts ngayong hapon.

Una nang naka-yellow alert ang Meralco at inalerto ang mga participant ng interruptible load program.

Nagpaalala na rin ang DOE sa mga consumer na magtipid ng kuryente.

Speak Your Mind

*