Mahigit 1,000 mga drug user at pusher sa Urdaneta, boluntaryong sumuko

Pinangunahan ni Director General Isidro Lapena ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bulontaryong pagsuko ng mahigit isang libong mga drug user at pusher sa lungsod ng urdaneta.

Si Lapena ay pagkaka-appoint pa lang bilang bagong director general ng PDEA ng administrasyon ni pangulong rodrigo duterte ay tubong urdaneta.

Inihayag naman ni Lapena na palakasin ang barangay level sa paglaban kontra iligal na droga dahil mas sila ang makaka-alam kung sino ang gumagamit at nagbibenta ng droga sa mga barangay.

Kasabay sa boluntaryong pagsuko ng mga drug user at pusher kung saan ay sabay-sabay pang nanumpa at pumirma ng affidavit of under taking ay dapat hindi na sila bumalik sa masamang gawi dahil babantayan na sila ng pnp.

—-

Tulong para sa sumukong residente na sangkot sa iligal na droga, tiniyak ng Urdaneta LGU’S

Tiniyak na pamahalaang panglungsod ng urdaneta ang ibibigay na tulong sa mga boluntaryong sumuko residente na sangkot paggamit at pagtutulak ng iligal na droga.

Kabilang na umano rito ang ginagawang resolusyon ng sangguniang panlalawigan na buksan ang prangkisa ng tricycle para sa agarang trabaho ng mga nangakong tatalukuran na ang iligal na droga.

Sinabi naman Urdaneta City Mayor Amadeo “Bobom” Perez na maraming programa ang bubuksan para may maibibigay tullong sa mga nangako na tuluyan ng tatalikuran ang paggamir at pag-tutulak ng iligal na droga.

Ganunpaman, dapat umanong may kooperasyons sa pagitan ng mga sumukong sangkot sa iligal na droga at lokal na pamahalaan.

Umaasa naman ang lokal na pamahalalaan na tuluyan nang mababawasan o mawawala ang mga gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga sa lungsod.

 

Speak Your Mind

*